Wanted!! Children Missing!
Dear Saksi,
ako po ang el bajo de banda, at etong mga kasama ko ay si el lido at el tambolero. kami po ay sumusulat sa inyo ngayon sapagka’t nawawala sa aming piling ang isang pinaka-importanteng tao sa amin, ang la kantatera. itago nalang po natin siya sa pangalang KAT SABAL. huli po namin siyang nasilayan noong kami’y nagkasama-sama upang gumawa ng DEMO DISC OF DEMONSTRATION <more info in previous blog> nguni’t pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na namin siya nakapiling muli.
ang pakay po namin sa aming pagsulat ng liham na ito ay upang matulungan sana kaming hanapin ang aming nawawalang kaibigan. at baka sakaling mabasa niya ito, malaman niya na mahal namin siya at oo, buhay pa ang gumamela sa hardin ng rosas ni Bhogarthe. kung sino man ang nakakita sa aming matalik na kaibigan, pakisabi sa kanya, tugtog naman kami minsan.
marami pong salamat, Saksi.
-fireproof caloy