Archive for September, 2005

owkey sa owrayt!

Monday, September 26th, 2005

owkey sa owrayt talaga yung geg namen nung byirnis! ang lolofet ng mga tomogtog na banda! pati cna koya, ati, at papa! wahahahaha! sa susunod seseryosohin na namin ang pag-tugtog!

seryoso na..

para sa mga malikhain..

kami magsasagawa ng isang "logo making contest"

sa "logo making contest" na ito, aming papangaralan ng honorary fireproof chunkee medal ang sino mang makakagawa ng isang "logo" na talaga namang nakaka-akit at kabighabighani na para sa fireproof caloy. yun laman po. salamat

–>leadman

yehey!

Saturday, September 24th, 2005

salamat sa mga nagpunta’t nanood ng PHacoustics kagabi, sept. 23, 2005 sa ph auditorium.  ticket price ay P30, murang mura, galing probinsya, featuring seven, oo, seven rising bands of the year.  this acoustic concert was made possible by the Public Health Artists Circle.  pero walang silbi din ang description na ito kasi, gaya ng sabi ko, nagpapasalamat na lang kami sa mga pumunta’t nanood ng PHacoustics…tapos na kasi eh, kagabi pa yun.  wala na, hintay nalang kayo ulit ng 17 years bago kami magka-gig ulit.

pero konteng kwento tungkol sa sampler set namin kagabi.  tumugtog kami ng apat na kanta, tas meron ding soundcheck.  pero bago ang lahat meron akong kelangan i-acknowledge…

Fireproof Caloy was performing with a special guest sessionist, isang talantadong…este, tarentadong… errr, tarantadong…tsk, tsk, talentadong hayop…err, tao na nagngangalang bufford domingo.  ang long-time friend and lover naming si buff ang nag-auxiliary percussions (bongos) sa tatlong kanta at lead vocals naman sa last song.

soundcheck was RAIN SONG ng IMAGO, simpleng-simple pero masaya tugtugin at masarap pakinggan.  jam lang kami, ako (baho), si macgom (kahones), si kat (vocals) at buff (bongos), habang si ilian ay rumo-ronda’t naghahanap ng gitara…haha, tanga.  first song was SUNTOK SA BUWAN, a cover song originally by SESSION ROAD.  second song was an original composition, FIREPROOF CALOY’s very own, entitled 2578.  the last two songs were covers as well, our humble renditions of PANAGINIP and UULITIN, both by the legendary POT.  sa last song, UULITIN, binitawan ni buff ang bongos at kinareer ang kanyang pagkakanta.  wala namang sablay…masyado…astig.

yun lang ang balita, hanggang sa muling pangungulit!

-el bajo de banda

o yes! we are definitely back!

Sunday, September 11th, 2005
ayos! ang return of the comeback kings!!! pero teka, magrecording na nga tayo.
para sa inyo..
Maari ka bang magtanong
Bago ka man lang magdesisyon
Maari bang ika’y magsabi
Kung mawawala sandali
Tinitigan iyong larawan
Kay tagal nang hindi napagmasdan
Sa susunod sasabihin sa akin
Pakiusap lang naman..
Aanhin ko ang gulo
Kung hindi rin masasabi sa iyo?
Bakit pa may bulalaklak
Kung puso nga’y di pa sapat?
Marahil lamang ako’y kulang
Wala akong maasahan man lang
Napapagod na ako kakatakbo
Nung ako’y iniwan mo..
Pag sapit ng gabi
naryan na ang dilim
bumabalot na naman sa akin..
At ang iyong yakap
pampawi sa lamig
Iniwang walang alam..
–>haha ang labo
basta yun!
–ilian